Kababalaghan_Admin Admin
Posts : 87 Join date : 2009-10-27 Age : 45 Location : Bicol, Philippines
| Subject: SATOR: basag ng SETRUM, susi at pamamaraan Mon Jul 04, 2011 8:04 pm | |
| Ang unang basag sa SATOR ay ... Salutator Emegum Tuteno Romas Umeteg MascotAng susi ay: RAGASUL WEGUM SETRUM...ito po ay sa LAKAS at meron po kayong gagawing pamamaraan kailangan nyo ng hostia o rolling paper at kalahating basong tubig... Para sa BASAG ng iba pang llave ng SATOR Contact: Bro Erwin Villa in Facebook Pamamaraan mula kay Ka Ultimo Bato: Ibabad ang isang Ostia na sinulatan ng unang Oracion sa kalahating basong tubig at takpan. Gawin ito bago matulog. Gumising ng ika 4:00 ng umaga at habang isinasaulado ang mga oracion ay bibigkasin ng paulit ulit hanggang sumapit ang ika 6:00 ng umaga. Pagkatapos, inumin ang tubig na kasama ng hostia na sinulatan ng oracion.
Sa ikalawang gabi ulitin ang pamamaraan. Ibabad ang ostia na sinulatan ng ika 2 oracion. Sa ikatlong gabi ibabad ang ika 3 oracion hanggang magawa ito ng walang patlang sa loob ng pitong gabi. Sa ika-2 hangang ika 7 umaga ay isang oras na lamang gagawin ang paulit ulit na pagbigkas ng 7 oracion simula ika 4 hangang ika 5 ng umaga.
Sa sinuman ang makakatupad ng pamamaraan na ito ay makaka asa na magkakaroon ng pambihirang lakas ng kalooban, lakas sa pagbubuhat, at hindi manghihina ang katawan. Magiging malusog ang katawan at hindi masasakitin.
Gawin ito ng solo at walang nakakakita o nakakaalam. Kapag pumatlang ng isang gabi ay magsimula ulit hangang makatapos. | |
|