Kababalaghan_Admin Admin
Posts : 87 Join date : 2009-10-27 Age : 45 Location : Bicol, Philippines
| Subject: KAPANGYARIHAN SA TITIG Tue Jul 12, 2011 10:19 pm | |
| Pagbibigay kapangyarihan sa titig ng mga mata upang mapigil ang masamang tangka ng kapwa:
Narito ang isang mabisang paraan upang magkaroon ka ng "power" upang mawala ang masamang tangka ng kapwa. Kaya maliligtas ka sa mga kapahamakang lilikhain ng ibang tao. Maraming tao ang nagsisikap na mag-aral ng ibat-ibang palakasan tulad ng boxing, Judo, Karate at pagbaril at marami pang iba upang mapagtanggol nila ang kanilang sarili at ang mahihina sa oras ng kagipitan o pangangailangan subalit ang lahat ding ito ay nangangailangan ng tinatawag na self-defense sa sarili. Kaya't wala ring katiyakan ang iyong kaligtasan. Subalit magagamit mo pa ba ang iyong napag-aralan kung naunahan ka na ng iyong kalaban?
Dahil dito ay higit na mabuti ang kaunti ang nalalaman sa palakasan ay nabubuhay naman nang tahimik at ligtas sa kasamaan ng kanyang kapwa.
Ang pamamaraan: Lagyan ng itim na tinta na parang nunal at kasinlaki ng palito ng posporo ang puno ng ilong o pagitan ng mga mata. Maupo sa isang silya na nakaharap sa salamin na may kalahating metro ang layo. Gawin ito sa isang silid na tahimik at walang nakakamalay. Titigan ang nunal sa puno ng iyong ilong na walang kurap o kisap at banggitin ang pangungusap na ito:
"Ang kapangyarihan ng aking isipan at kalooban ay nalabas.Walang sinumang magtatangka sa akin ng masama at kagigiliwan ako ng sinomang tao na aking lalapitan."
Ulit-ulitin ito habang tinititigan mo ang iyong nunal sa puno ng ilong. Gawin ang pagtitig sa loob ng limang minuto (5 min.) sa unang linggo, sa ikalawa sampung minuto (10 min.) sa ika-apat ay dalawampung minuto (20 min.).
Kung magagawa mo ito ng mahusay at walang patlang sa loob ng apat na linggo ay magkakaroon ng power na mahalina ang sinomang taong iyong lalapitan at walang makakatitig sa iyo ng matagal. Note:For Record purposes only. | |
|