Kababalaghan_Admin Admin
Posts : 87 Join date : 2009-10-27 Age : 45 Location : Bicol, Philippines
| Subject: Ano ang kahulugan o ibig sabihin ng salitang YOGA? Sat Jul 23, 2011 6:04 am | |
| Ang YOGA योग ay salitang Sanskrit na nangangauhulugan ng "PAKIKIPAG ISA" o "UNION", kung saan ang layunin ng yoga ay ang pakikipag-isa ng jiivatman (unit soul) sa paramatman (great soul).Sa madaling pagka-unawa ito ay ang pakikipag-isa ng tao sa pinaka source ng lahat ng bagay ang KATAASTAASANG DIOS.
May ibat-ibang uri ng yoga at kilala dito ay ang; Raja Yoga (Royal/King Yoga), Hatha Yoga (Yoga for Beauty, Sun/Moon Yoga), Jnana Yoga (Yoga of Knowledge), Karma Yoga (Yoga of Action) at ang Bhakti Yoga (Yoga of Devotion).
Ang pagsasanay sa yoga ay napapalooban ng mga ibat ibang disiplina, isa na dito ng vegetarianism (gulay lang ang kinakain, subalit may ilang gulay at sangkap rin na iniiwasang kainin tulad ng bawang at sibuyas), asanas (body posture) na tinatawag ring inner-exercise kung saan ang epekto nito ay psycho-spiritual, at ang pinakamahalaga ay ang yoga meditation kung saan dito mo matatagpuan ang inner peace sapagkat sa prosesong ito muli tayong nagkakaroon ng koneksyon sa orihinal na pinagmulan ng lahat ng bagay.
Matutunan ng pormal ang mga pagsasanay na ito sa mga taong may sapat na kaalaman o karunungan sa yoga. Sa mga interesadong matuto nito makipag ugnayan lamang sa miyembro ng Ananda Marga (Ananda Marga Yoga Pracharaka Samgha). Mag iingat lang sa mga ibang nagpapanggap ng guru sapagkat may ilan din na ginagamit ang karunungang ito upang gamitin at mapaglamangan ang kanilang kapwa.
Originally Post in: Facebook, Daigdig ng Kababalaghan - Umbraculum Mysterium | |
|